Huwebes, Disyembre 4, 2014

Kamay ni Hesus sa Lucban, Quezon





                Iba’t ibang tanawin at lugar ang maaaring puntahan sa Laguna at sa mga kalapit na lugar o probinsya nito katulad na lamang ng Lucban,Quezon. 

“Lucban Quezon is not just known for Pahiyas, It’s now getting more popular as a pilgrimage site since majority of Filipinos are Catholic, this can easily attract visitors to visit Lucban not just for food and colorful festivals but to repent, give thanks and pray for healing at Kamay ni Hesus Shrine said Rebecca V. Labit – Regional Director Department of Tourism – Region IV.


Ang kamay ni Hesus, na isa sa mga dinadayong lugar ng mga namamanata, ay matatagpuan sa Brgy. Tinamnan, Lucban, Quezon. Ito ay kilala dahil sa pagkakaroon ng healing masses sa kapilya dambana nito na pinapangunahan naman ng isang kilalang healing priest na si Rev. Fr. Joseph Ayala Faller.


Hindi lamang ang mga misa ang mamamataan rito dahil ito ay nagsisilbi ring museo na nagpapakita nang iba’t ibang karakter at pangyayari sa bibliya sa pamamagitan ng mga rebultong kasing laki na ng mga tao. Mayroon rin ditong itinayong Noah’s Ark na siyang pinagdadausan ng iba’t ibang aktibidades na may kinalaman sa spiritwal na pamumuhay ng mga tao.


                Bukod sa mga nabanggit ay mayroon ring hagdan na humigit kumulang tatlong daan at limang (305) hakbang na magdadala sa mga turista sa tuktok ng burol kung saan itinayo ang 50-ft na rebulto ng “Ascending Christ”. Ang rebultong ito ay pangatlo sa mga pinaka-malaking estatwa ni Hesus na itinayo sa buong mundo. Habang umaakyat ay madadaanan ang mga rebultong naglalarawan ng labing-apat na estasyon ng krus, na magandang puntahan upang makapag bisita-de-Iglesia tuwing mahal na araw.



                 Nakakapagod man ang naging pag-akyat ay tila hindi namin ito ininda sapagkat napakaganda ng tanawin sa tuktok ng burol.