Iba’t
ibang tanawin at lugar ang maaaring puntahan sa Laguna at sa mga kalapit na
lugar o probinsya nito katulad na lamang ng Lucban,Quezon.
“Lucban Quezon is not just known for Pahiyas, It’s now getting more popular as a pilgrimage site since majority of Filipinos are Catholic, this can easily attract visitors to visit Lucban not just for food and colorful festivals but to repent, give thanks and pray for healing at Kamay ni Hesus Shrine said Rebecca V. Labit – Regional Director Department of Tourism – Region IV.”
Ang kamay ni Hesus,
na isa sa mga dinadayong lugar ng mga namamanata, ay matatagpuan sa Brgy.
Tinamnan, Lucban, Quezon. Ito ay kilala dahil sa pagkakaroon ng healing masses sa
kapilya dambana nito na pinapangunahan naman ng isang kilalang healing priest
na si Rev. Fr. Joseph Ayala Faller.
Hindi lamang ang
mga misa ang mamamataan rito dahil ito ay nagsisilbi ring museo na nagpapakita
nang iba’t ibang karakter at pangyayari sa bibliya sa pamamagitan ng mga
rebultong kasing laki na ng mga tao. Mayroon rin ditong itinayong Noah’s Ark na
siyang pinagdadausan ng iba’t ibang aktibidades na may kinalaman sa spiritwal
na pamumuhay ng mga tao.
Bukod
sa mga nabanggit ay mayroon ring hagdan na humigit kumulang tatlong daan at
limang (305) hakbang na magdadala sa mga turista sa tuktok ng burol kung saan
itinayo ang 50-ft na rebulto ng “Ascending Christ”. Ang rebultong ito ay pangatlo
sa mga pinaka-malaking estatwa ni Hesus na itinayo sa buong mundo. Habang umaakyat
ay madadaanan ang mga rebultong naglalarawan ng labing-apat na estasyon ng
krus, na magandang puntahan upang makapag bisita-de-Iglesia tuwing mahal na
araw.
Nakakapagod man ang naging pag-akyat ay
tila hindi namin ito ininda sapagkat napakaganda ng tanawin sa tuktok ng burol.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento